Mga kasinungalingan, kathang-isip na dapat tibagin

Panoorin ang maiikling Tiktok videos na puno ng tamang impormasyon at datos na nagtatama at naglilinaw sa mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa mga Marcos at Martial Law

MANILA, Philippines – Nabubuhay sa kasinungalingan ang pamilyang Marcos.

Makalipas ang lagpas tatlong dekada mula nang mapatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos, patuloy pa rin ang mga maling paniniwala tungkol sa nangyari sa Pilipinas noong Martial Law. Mas lumala ito ngayong tatakbo sa pagkapangulo ang kanyang anak na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan titibagin ang mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law.

Bawat linggo ay may maikling Tiktok video kung saan tinatalakay ni Rappler multimedia reporter Rambo Talabong, batay sa research ni Jodesz Gavilan, ang mga datos at iba pang impormasyong nagtatama at naglilinaw sa mga kumakalat na kasinungaling.

Panoorin ang mga episode ng Marcos Imbento, Bistado. Maaari ring i-click ang link para basahin ang mas mahabang article.

Episode 1: Walang Tallano Gold – wala, wala, wala!

Isa ka ba sa mga naniniwala na may milyon-milyong tolenadang ginto mula sa Tallano royal family ang mga Marcos? At mabibiyayaan nito ang mga Filipino kung manalo si Marcos Jr. bilang pangulo? Pinapaasa ka lang kasi wala namang Tallano gold.

Pero sino nga ba ang may pakana ng kasinungalingang ito?

@rappler Lahat ba tayo makakakuha ng ginto mula sa mga #Marcos ? Panoorin si @rambotalabong #fyp #foryou #foryoupage #newsph #rappler ♬ original sound – Rappler
@rappler Saan galing ang gawa-gawang kwento tungkol sa Tallano gold? Panoorin si @rambotalabong #tallanogold #marcosgold #bbm #rappler #newsph #fyp ♬ original sound – Rappler

Episode 2: Hindi proyekto ni Marco Jr. ang Bangui windmills

Malaking parte ng imhen ni Marcos Jr. ang Bangui windmills sa Ilocos Norte. Nakikita ito sa kaniyang mga Youtube video, pati na rin sa political advertisements na napapanood sa telebisyon.

Ngunit hindi niya ito proyekto. Hindi niya rin ito idea. Galing na mismo sa kanyang bibig na isa itong “private commercial enterprise.”

@rappler Sino nga ba ang nagpatayo ng windmills ng Ilocos Norte? Panoorin si @rambotalabong #marcos #bbm #rappler #newsph #fyp ♬ original sound – Rappler

Episode 3: Convicted na magnanakaw kahit hindi nakakulong

Isang napakalaking kasinungalingan ang mga sabi-sabi na hindi naman daw napatunayang magnanakaw ang pamilyang Marcos. Bilyon-bilyon na rin ang nakaw na yaman na nabawi ng gobyerno sa kanila. Nahatulan na ngang guilty ang dating first lady na si Imelda Marcos, ngunit nakalaya lamang dahil matanda na raw ito.

Ang magnanakaw, kahit na malaya, ay magnanakaw pa rin.

@rappler Korte ang humatol na nagnakaw ang pamilyang Marcos sa kaban ng bayan. Pero bakit malaya pa rin sila? Panoorin si @rambotalabong #fyp #newsph #tiktokph ♬ original sound – Rappler

Episode 4: Ang kasalanan ni Senior, kasalanan ni Junior

Pilit na inilalayo ni Marcos Jr. ang kanyang sarili sa mga nangyaring malawakang nakawan at abuso sa ilalim ng Martial Law ng kanyang tatay na diktador. Sabi ng kanyang mga tagasuporta, hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng ama!

Hindi totoo na walang dapat pananagutan ang nag-iisang anak na lalaki at kapangalan ng diktador. Nakinabang siya sa mga nakaw na yaman ng kanyang pamilya, at naging saksi sa mga abuso. Hanggang ngayon, pera pa rin ng taumbayan ang bumubuhay sa kanya.

@rappler Ang kasalanan ng ama, kasabwat at nakinabang ang anak. Panoorin si @rambotalabong #martiallaw #marcos #bbm #newsph #fyp #rappler ♬ original sound – Rappler

Episode 5: Naghirap ang mga Filipino sa ilalim ni Marcos

“Golden years” daw ang naranasan ng Pilipinas sa ilalim ni Marcos? Hindi ito totoo. Napag-iwanan nga ang Pilipinas ng mga karatig-bansa nito sa Asia.

Ang kahirapan na dinanas ng mga Filipino sa ilalim ng Martial Law ay hindi lamang dahil sa mga abuso na nangyari. Ramdam din ito sa pagkalam ng tiyan at kawalan ng laman ng bulsa ng mga mamamayan.

@rappler Golden era nga ba ng Pilipinas noong panahon ng Martial Law ni Marcos? Panoorin si @rambotalabong #marcos #martiallaw #newsph #fyp #rappler ♬ original sound – Rappler

Huwag kalimutang i-bookmark ang page na ito para mapanood pa ang mga susunod na episode. Maaari ring mapanood sa Facebook at Youtube ang Marcos Imbento, Bistado episodes – Rappler.com

Leave a Comment